Wednesday, February 16, 2011

Mga Nakakatunaw Na Salita

Isang mainit na tanghali ang sumalubong sa akin at sa aking kaibigan nung minsang papunta kami sa bahay ng isang kaibigan. Habang hinihintay namin siyang bumaba sa kanilang tahanan. Maraming klaseng tindero ang lumapit saamin. Tindero ng Mop, Prutas, DVD, MP3 at kung ano ano pa, serbisyo sa kotse, ano mang hanapin mo, naialok na. Ngunit may isang lalaking nakapagpahinto sa akin at nakapagpaisip saakin nung mga panahon na yun. Isang mamang may bitbit na higanteng bag sa kanyang balikat nagaalok ng mga damit at kung ano ano pa. "Ma'am/ Sir Tshirt po, Lacoste, Polo, Burberry" Parang wala lang naman saakin nung mga oras na yun. Katulad lang siya ng ibang nagtitinda, so hindi ko siya pinansin. Mamaya maya pa't biglang salita uli si kuya. "Ma'am ipakita ko lang po, baka sakali lang." Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit sa twing naalala ko yung mga salitang yun ni kuya, hindi ko maiwasang maluha. Siguro kasi may parte saakin na naguguilty ako bakit di ko man lang siya pinakinggan. Siguro kasi naiisip ko na bakit di ko man lang siya binigyan ng pagkakataon. Siguro kasi naiisip ko, napahiya si kuya, at dahil sakin yon.

Ayoko ng ganung mga sitwasyon. Pakiramdam ko kasi, dama ko yung hirap niya. Siguro kasi naiisip ko na, "Pagod na nga yung tao sa buong araw na pagiikot, hindi mo man lang siya nabigyan ng ilang segundo para man lang ipakita yung produkto niya at subukang makapagbenta" Siguro naiisip ko kasi, ang sama sama ko sa mga panahon na yun.

Kung meron lang akong pera, bibili ako ng tinitinda ni kuya. Hindi dahil sa kailangan ko yung tinitinda niya o ano man pero naapreciate ko yung pagod at pagpupursige niyang makabenta. Kung meron lang akong pera, bibili ako ng tinitinda ni kuya, para sa mainit at tirik na sikat nang araw, para kahit sa tagaktak ng pawis niya, kahit papaano, mapasaya ko siya.


Saludo ako kay kuya at sa mga iba pang tindero na nasa daan na nagsisikap para mabuhay. Kung tutuusin mas madali pang magnakaw kesa makipagsapalaran sa daan magbenta ng produkto nila. Bukod sa labas sa puhunan, ang kita ay walang katiyakan. Pero kahit ganoon, hindi parin nila pinagpapalit ang dignidad nila. Tinittiis nila ang hirap, para mabuhay sa marangal na dahilan. Galing mo kuya. :-) 

No comments:

Post a Comment