Naiiyak ako ngayon dahil sa Calculus ko. Feeling ko, pasok sa isang tenga, labas sa kabila kasi ang drama ko kapag class namin. Hindi ko kasi talaga maintindihan. Nagttake down naman ako ng notes. Nakikinig naman ako, pero nasa malayo na yung prof, inaabsorb ko palang yung mga nauna nyang sinabi. Kaya yun, napaghuhulihan ako.
Hindi ko rin kasi alam kung sadyang hindi ako marunong sa Math o tinatak ko na sa utak ko na di ako marunong sa Math. Kaya kahit anong turo saakin, sarado yung utak ko. Hindi ko ba alam. May mga bagay na magaling naman ako, pero sa aspetong ito, aminado akong, bano ako.
Makailang-ulit ko nang inisip na isuko na yung Calculus ko. Kahit di pa nangangalahati ang term. Paano ba naman kasi, mag isa lang ako dun. Lahat ng mga kaklase ko (halos) nakuha na yun. Ako kasi, hindi pa. Pinlano ko kasi isummer lahat ng Math ko, para dun lang ako nakaconcentrate buong summer. Natatakot rin ako, bukod kasi mag-isa ako, karamihan sa mga kaklase ko, makailang ulit na nilang tinake yun, eh ako pang una palang. Sila may alam na, ako wala pa talaga, walang wala. Bukod dun, eh kilala pang terror yung prof. Paano ba naman kasi, ilang taon na nyang tinuturo yun. Yung mga lumalabas nga sa bibig nya parang di na nya pinagiisipan.- parang nakabisa na nya sa ilang taong pagtuturo nun.
Maraming beses ko man maisip na isuko yung subject na yun, marami man akong dahilan. Hindi ko parin magawa. May mga pumipigil saakin. Naalala ko, simula palang nagrereklamo ako sa papa ko. Na wala akong maintindihan sa subject ko na yun, simula palang ng term. Alam nyo ang ginawa nya? Inalam nya ang librong ginagamit namin at, Binilhan ako. Malayo ang nilakad nya para doon. Kasi walang stock ng ganong libro sa naunang bookstore na pinuntahan nya. Pag uwi nya, mas excited pa siya saakin. Pinabalot nya ang libro at pinalagyan ng pangalan ko. Nagkwento pa sya ng mga experience nya nung kabataan nya para mabigyan ako ng tips at words of wisdom. Kaya sa twing naiisip kong isuko yung Calculus ko naiiyak ako.
Isa pa, yung mga kaibigan ko. Nagtatyaga sila turuan ako kahit di naman talaga nila obligasyon yun. Matagal na sila natapos sa Calculus pero pinagttyagaan parin nila ako. (@carloida @kenetlee). Meron din akong kaibigan na nag-aaral sa ibang iskwela na nag-offer magpahiram ng notes ng mga nakaraang Calculus nya para matulungan ako. (@nicole) at meron rin naman akong motivators na nagpapaalala saaking bawal ako bumagsak (@darbor)
Ang pinaka nagpipigil saakin eh yung "fact" (sorry di ko alam yung tagalog) na wala naman talagang Calculus dapat na iooffer ngayong term. Pinetition ko to, hindi lang sa skwelahan kungdi kay Lord. Hiningi ko to sakanya para makagraduate na ako, (kung papalarin) at binigay niya. Ginusto ko to, bakit ko sasayangin to? Nung nagbukas ng section ang Calculus sobra ang pasasalamat ko kay Lord, eh bakit ngayon sumusuko nako? Parang mali naman ata yon.
Yun yung mga iniisip ko, nilagay ko nalang sa blog ko kasi feeling ko ang daldal ko masyado sa Twitter. Sige doble sikap pa ako. Bibigay ko ang lahat ko, para kung pumasa man o bumagsak man, sa huli, wala akong pagsisisihan.
x,
Alyana
Good luck! I wish you pass Calculus. I know how important graduating seniors. You can do this! - Mar -Not Your Ordinary Beauty Queen-
ReplyDeleteDon't miss: The New BODY by Burberry Giveaway